-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Kaninang ala-6 nitong umaga ng Martes ng ipinatupad ang P2.80 na taas presyo sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P1.30 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P0.45 sa kada litro ng kerosene.

Ito na nag pang-apat na beses na nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng mga langis.

Itinuturo pa rin ng Department of Energy na ang sanhi ng taas presyo ay dahil sa mga nagaganap na tensyon sa Middle East.