Inaasahang magpapatupad ng panibagong bugso ng big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Kung nagkataon, ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Base sa oil trading sa nakalipas na 4 naaraw, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ang presyo ng mga produktong petrolyo ay maaaring magkaroon ng umento na P0.75 hanggang P0.95 kada litro para sa gasolina.
Habang P1.50 hanggang P1.70 kada litro naman sa diesel at sa Kerosene ay P1.05 hanggang P1.15 kada litro.
Inaasahang iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang paggalaw sa presyo ng mga petrolyo sa Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.
Ayon sa DOE official, maiuugnay ang uptrend ng presyo ng mga petrolyo sa drone attacks at pagkasunog ng oil facilities ng Russia na nakaapekto sa suplay at logistics.
Gayundin ang panukalang palawigin pa ang OPEC+ production cut ng 2.2 million bariles kada araw hanggang sa unang kwarter ng 2024.
Nakaamba din sa pagtaas ng oil price sa plano ng US Federal Reserves na bawasan ang interest artes para makatulong sa pagpapalakas ng paglago ng ekonomiya at mapataas ang demand sa crude oil at ang economic stimulus package ng China.