-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P1.10 sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang P1.60 sa kada litro ang itinaas ng gasolina at ang kerosene naman ay nagtaas ng P1.05 sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy na ang sanhi ng nasabing pagtaas ay ang lumakas ang demand ng mga produktong langis ganun din ang patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.