-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista sa panibagong taas presyo ng mga produktong langis.

Base kasi sa nagdaang apat na araw na forecast ay asahan ang P1.10 hanggang P1.40 sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina ay mayroong mula P1.30 hanggang P1.60 na pagtaas sa kada litro habang maaring may maliit na paggalaw o walang anumang pagbabago ang presyo ng kerosene.

Ilan sa mga dahilan na nakita ng DOE na dahilan ng taas presyo ng produktong langis ay ang ginagawang pagpressure ng US sa Iran dahil sa kanilang nuclear deal.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang taas presyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.