-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng panibagong taas presyo ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.35 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang kerosene ay mayroong P0.70 sa kada litro na pagtaas at ang Diesel ay mayroong P0.80 na pagtaas sa kada litro.
Isa sa mga dahilan na nakita ng DOE ay ang pagtuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan at ang trade war sa pagitan ng US at China.