-- Advertisements --
Asahan ang panibagong taas presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na mayroong hanggang P0.49 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel naman ay mayroong P0.34 ang itataas sa kada litro at ang kerosene any mayroong hanggang P0.13 ang itataas sa kada litro.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng panibagong pagtaas ay ang ipinataw na sanctions ng US sa Iran at Russia na siiyang naapektuhan ang pagsuplay nila sa Asya.
Sa araw ng Lunes pa malalaman kung magkano ang aktual na taas presyo na kadalasang ipinatupad sa araw ng Martes.