-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo.
Base sa pagtaya ng DOE na maglalaro mula P0.40 hanggang P0.70 ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Mayroong P0.45 hanggang P0.75 naman ang taas presyo kada litro ng diesel habang mayroong P0.65 hanggang P0.75 ang itataas sa kada litro ng kerosene.
Ang nasabing estimated price adjustment ay base sa international petroleum trading sa nagdaang apat na araw.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang taas presyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.