-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.70 sa kada litro na pagtaas sa gasolina.
Mayroong P0.40 sa kada litro ang pagtaas sa diesel habang sa kerosene ay mayroong P0.20 sa kada litro na pagtaas.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ay dahil sa posibleng problema global oil market matapos ang pag-atake sa pumping station sa Russia.