-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P0.95 sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang dagdag na P0.35 sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay mayroong dagdag na P0.65 sa kada litro.
Ito na ang pangatlong linggo ng pagtaas ng presyo ng langis kung saan itinuturong dahilan ng Department of Energy ang drone attack ng Ukraine sa oil refineries sa Russia at ang patuloy na tensiyon sa Middle East.