-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P2.65 sa kada litro ng gasolinang pagtaas.
Habang mayroong P2.70 na pagtaas sa kada litro ng diesel at ang kerosene naman ay mayroong P2.60 sa kada litro na pagtaas.
Ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero na ang nangungunang dahilan ng panibagong taas presyo ay ang lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasama rin na nakaapekto ang damyos na dulot ng bagyong Helene at Milton sa US na nagdulot ng taas ng demand ng gasolina.