-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN – Kailangan na namang maghigpit ng sinturon.
Ito ang naging reaksyon ng Presidente ng Urdaneta City Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) na si Ramon Ramos matapos na namang magkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Aniya malaking dagok na naman ito sa kitaan ng kapwa niya driver at operator at kahit nakaranas ng pagbaba sa presyo nito noong mga nakaraang linggo ay hindi rin naman ramdam dahil sa taas din ng iba pang mga pangunahing bilihin.
Bagamat maayos naman ang kanilang pamamasada ay aminado si Ramos na hindi na katulad ng dati ang kanilang natitipid lalo na sa mga kapwa niyang mayroong mga anak na pinapaaral kaya’t todo ang kanilang pagsisikap sa ngayon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.