Magkakasabay na nagpatupad kaninang ala-6 ng umaga ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang mga produkto.
Mayroong pagtaas na P0.90 sa kada litro ang diesel habang ang gasolina ay nagtaas naman ng P0.45 sa kada litro.
Samantala ang Kerosene ay nagtaas naman ng P0.30 sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy na ang tumitinding tensiyon sa Middle East ang siyang dahilan ng panibagong taas presyo at ang paglakas ng demand ng langis sa China.
Kasabay din nito ay nagpatupad din ng panibagong taas presyo ang bawat tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Ayon sa kumpanyang Petron na mayroong P0.80 ang itinaas nila sa kada kilogram o katumbas ng dagdag na P8.80 sa kada 11 kilograms ng household LPG tank.
Habang mas mataas ang Solane na mayroong P0.82 centavos sa kada kilogram o katumbas ng P9.02 sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG.
Itinuturong dahilan ng mga negosyante ng LPG ang pagtaas ng demand ngayong panahon ng tag-lamig.