-- Advertisements --
Matapos ang tatlong linggo bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay asahan naman sa susunod na linggo ang panibagong taas presyo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na maaring maglaro mula P0.60 hanggang P1.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.10 hanggang P0.50 ang pagtaas sa kada litro.
Maglalaro din mula P0.10 hanggang P0.30 ng pagtaas sa kada litro ng kerosene.
Isa sa mga nakitang dahilan ng mga DOE ay ang ginawang airstrike ng US sa Yemen laban sa mga Houthi rebels.
Sa araw pa ng Lunes malalamang kung magkano ang taas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.