-- Advertisements --

Magkakasunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na mayroong magkaparehong P0.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang ang kerosene ay tumaas naman ng P0.10 sa kada litro.

Ilan sa mga nakikitang dahilan na ngayon ng DOE ay ang inaasahan pagtaas na ng demand ng oli products sa unang quarter ng 2025.

Kasama rin dito ang pagpaliban ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ng paggawa ng mas maraming fuel supply sa Abril 2025.