-- Advertisements --
Magkakasunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad ng P1.10 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang kerosene ay mayroong P0.40 na pagtaas sa kada litro.
Ganun din ang diesel na mayroong P0.40 na pagtaas sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy na ang sanhi ng taas presyo ay dahil sa nagaganap na tensyon sa Gaza ganun din ang pag-atake ng US sa Houthi rebels sa Yemen.