-- Advertisements --
Higpit sinturon nanaman mga ka-Bombo at ka-Starnation sapagkat inanunsyo ng Manila Electric Company na asahan ang panibago nanamang taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, tinatayang aabot ng mahigit Php0.10/kwh ang mararanasang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Ito ay bunsod na rin ng mangyayaring ancillary services na inaasahan ngayong Hunyo 2024, habang bukod dito ay magkakaroon din ng feed-in tariff na tinatayang aabot ng Php0.05/kwh na I cha-charge din sa mga customers.
Samantala, bukod dito ay inaasahan din na makakaapekto sa pagtaas ng presyo sa spot market ang makailang beses na pagsasailalim sa red at yellow alert sa Luzon at Visayas grid noong buwan ng Mayo.