Nagsagawa ng panibagong trilateral Air Patrol ang Tactical Operations Wing Western Mindanao (TOW WestMin) sa pamamagitan ng Tactical Operations Group Sulu-Tawi-Tawi (TOG SulTaw) ng Philippine Air Force (PAF) sa borders ng Sulu at Tawi-Tawi.
Ito ay parte ng sanib-pwersang inisyatibo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, at Pilipinas (INDOMALPHI) para palakasin ang seguridad at kaayusan sa lugar.
Kabilang sa air patrol mission ang mga personnel ng 300th Air Intelligence and Security Wing ng PAF, Tactical Operations Wing WestMin, 220th Airlift Wing, Tactical Operations Group Sulu-Tawi-Tawi , Philippine Navy, Joint Task Force Tawi-Tawi, Naval Intelligence and Security Group, at Western Mindanao Command.
Papaigtingin pa ng naturang trilateral Air patrol ang sanib-pwersang presensiya sa himpapawid sa rehiyon, tutulong sa reconnaissance at surveillance ng kahina-hinalang foreign vessels at unusual maritime activities.
Makakatulong din ito sa pagpigil ng cross-border security threats gaya ng terorismo, piracy at human trafficking.