Pirmado na ni US President Donald Trump ang kautusan na nagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang kababayan niya ng coronavirus pandemic.
Kabilang dito ang mga pagsuporta sa mga walang trabaho, pagsuspendi ng payroll tax at pagpalawig ng student loans.
Sinabi nito na napilitan lamang niyang gawin ito matapos ang pakikipagpulong niya sa kongreso.
Sa nasabing hakbang ay magbibigay ng $400 kada linggo bilang tulong sa ilang milyong nawalan ng trabaho.
Nauna rito inaprubahan ng Democratic-controlled House of Representatives ng $3.5 trillion package na unang tinanggihan ng Senado na kontrolado naman Republican.
Ayon kay House Speaker Nancy Pelosi na binawasan nila ang nasabing halaga na mula sa dating $11 trillion na isinumite ng Republican ay ginawa na lamang itong $2 trillion.