-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ng panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa tinatayang paggalaw sa presyo, inaasahang magkakaroon umento na P0.80 hanggang P1 kada litro sa diesel.

Sa gasolina naman, inaasahang magkakaroon ng pagtaas na P0.20 hanggang P0.40 kada litro.

Habang sa kerosene naman ay inaasahang magkakaroon ng umento na P0.70 hanggang P0.90 kada litro.

Inaasahang iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes, Enero 16 hanggang 22.

Samantala, ang mga pag-atake sa commercial ships sa Red Sea ay nakaapekto sa global supply chain kabilang ang presyo ng mga produktong petrolyo.