Inilabas na ng Pasig City RTC ngayong araw ang panibagong Warrant of Arrest laban kay KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay may kaugnayan sa kasong qualified human trafficking na inihain laban sa kanya.
Ayon sa DOJ, bukod kay Quiboloy ay inisyuhan rin ng korte ang lima pang indibidwal na kapwa akusado ng Pastor.
Kinabibilangan ito nina Jackielyn Roy, Sylvia Cemañes, Cresente, Paulene, and Ingrid Canad para sa parehong kaso.
Ang mga kaso laban kay Quiboloy ay sa ilalim ng Republic Act No. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Ayon sa korte, ang mga kasong ito ay non-bailable.
Kung maaalala, inisyuhan na rin ng Arrest Warrant ang pastor ng Davao City RTC at iba pang indibidwal para sa kasong Child Abuse.
Matapos naman na mahuli ang kapwa akusado ng Pastor ay nakapaghain naman ito ng piyansa para temporaryong makalaya.