-- Advertisements --

Sumiklab ang panibagong wildfire sa northern Los Angeles, California nitong umaga ng Miyerkules, oras sa Amerika.

Ang pinakabagong wildfire ay tinawag na Hughes Fire na sumiklab sa may area ng lake Hughes Road malapit sa Lake Castaic, 40 miles mula sa Eaton at Palisades wildfires na puminsala sa parte ng LA sa unang bahagi ng Enero.

Sa loob ng ilang oras, mabilis na kumalat ang apoy na ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection, nasa 9,400 ektarya na ang natupok.

Bunsod nito, nag-isyu na ng mandatory evcautions at warnings dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Sa isang news conference, iniulat ng Los Angeles County officials na mahigit 31,000 katao na mas mataas pa sa bilang ng kabuuang populasyon ng Castaic ang inatasang lumikas matapos iisyu ang warnings dahil sa “immediate threat to life” ng wildfire.

Nasa 25,000 katao naman ang nasa zones na isinailalim sa evacuation warnings.

Puspusan naman ang ginagawnag pag-apula sa mga nasusunog na kabundukan sa pamamagitan ng pagsaboy ng tubig at fire suppressants mula sa plane.