-- Advertisements --

Pumalo sa mahigit 400,000 ang panibagong kaso ng natamaan ng COVID-19 sa bansang India sa loob lamang ng isang araw sa kauna-unahang pagkakataon simula ng nagkaroon ng pandemiya.

Ito na pinakamataas na daily tally ng nagpositibo sa buong mundo.

Ayon sa datos ng health ministry, umabot sa 401,993 ang karagdagang na-infect sa coronavirus.

Dahil dito nasa 19.1 million na ang kabuuang confirmed cases ng COVID habang 3,523 naman ang naitalang bagong nasawi sa sakit umakyat na sa 211,853 ang COVID death toll sa India.

Matatandaang niluwagan ang karamihan sa mga restriksyon na ipinapatupad sa bansa matapos na bahagyang bumaba sa 10,000 COVID cases ang naitatala sa isang araw sa simula ng taon kung saan kalaunan pinayagan ang pagsasagawa ng malawakang religious gatherings at political rallies.

Nito lamang nakalipas na buwan ng Abril, nakapagtala ang bansang India ng 7 milyong nahawaan ng coronavirus. (with reports from Bombo Everly Rico)