-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinimulan na ang delivery ng gasolina sa iba’t ibang lugar sa naturang bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti na ang mga delivery truck ay mula sa Baru central kung saan tinanggap ang supply ng gasolina mula sa Estados Unidos.

Gayunman, nagkakaroon ng panic buying dahil limitado pa rin ang supply at hindi lahat ng mga gasoline station ay nagkaroon ng delivery.

Sa pagbubukas ng bawat gasoline station aniya ay may nakabantay na pulis ngunit nagkakaroon pa rin ng kaguluhan ang mga nakapilang bibili.

Ayon kay Ginang Sylvain, muling nagbukas ang Haiti matapos alisin ang lockdown ngunit nagbigay lamang ng isang linggo ang top gang leader na si Barbecue na ibabalik ang lockdown kung hindi bababa ang self declared Prime Minister na si Ariel Henry.

Samantala, sinabi ni Gng. Sylvain na wala pang kumpirmasyon kung napalaya na ang labimpitong Amerikanong mersenaryo na dinukot ng mga gang sa Haiti.