-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nararanasan ang blackout dahil sa kakulangan ng supply ng gasolina sa Haiti

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginang Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti, sinabi niya na matagal nang nararanasan ang blackout sa kanilang lugar.

Dahil sa pagkadismaya ng ilang grupo ay binunot nila ang mga poste ng kuryente na nagpatindi sa suliranin.

Problema rin ng mga may-ari ng sasakyan ang kakulangan ng supply ng langis.

Nanggagaling sa Venezuela at Estados Unidos ang gasolina ngunit madalang ang pagdating ng delivery.

Marami aniyang gasoline station sa Haiti ang nagsara dahil sa kawalan ng supply.

Kapag may dumating na supply ay nagkakaroon ng panic buying ng mga may sasakyan at mga gumagamit ng generator.

Samantala wala pang sagot ang Estados Unidos kung babayaran ang 17 million dollars na ransom money na hinihingi ng mga dumukot sa 17 Amerikanong misyonero at ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon kay Ginang Sylvain, nagkakasakit na umano ang ilang sa mga biktima kabilang ang isang walong taong gulang na sanggol.