-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagkakaubusan na umano ang mga panindang air-conditioned units at mga electric fan sa Canada dahil sa heatwave.

Ayon sa ulat ni Bombo international news correspondent Rex Hidalgo sa British Columbia, Canada, simula nang naramdaman nila ang mainit na temperatura ay maraming mga bumili ng mga aircon at electric fan dahilan para mawalan ng suplay ang mga ibang lugar.

Sinabi pa niya na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Canada na narekord ang pinakamainit na temperatura.

Inihayag niya na dahil sa mainit na panahon at pag-iba ng klima ay posibleng may mga taong magkasakit.

Agad naman umanong inilikas ang mga matatanda sa mga hotel dahil sa init ng panahon.

Una rito, sinabi niya na mula noong Sabado ay aabot na sa mahigit 200 na tao ang nirespondehan ng mga otoridad dahil sa biglang pagkamatay nila.

Maliban dito, sinabi nito na noong Lunes ay may nangyaring wildfire kung saan aabot sa tatlo hanggang limang ektarya ang apektado.