Ipinagbawal na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang paninigarilyo sa parking lot ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA3) kasunod ng sumiklab na sunog na tumupok sa 19 na sasakyang nakaparada sa lugar noong araw ng Lunes.
Ayon kay MIAA general manager Eric Ines, pinatanggal na rin nito ang mga damo a open parking area upang hindi na maulit ang nangyaring sunog na inilarawan ng opisyal na “grass fire” ang posibleng pinagmulan nito.
Bagamat sinabi din ng opisyal na patuloy na inaantay ng MIAA ang official report mula sa Bureau of Fire Protection sa kanilang findings sa dahilan ng sunog.
Samantala, inaprubahan din ni Ines ang mga rekomendasyon na maglagay ng portable fire extinguishers sa lugar at magtalaga ng security at safety personnel na magsasagawa ng regular na pagpapatrolya.