-- Advertisements --

Pinayagan na ng British government ang panonood ng mga audience sa iba’t-ibang sporting events sa England sa darating na buwan.

Simula sa Disyembre 2 ay maaaring manood na sa mga laro ang nasa 4,000 na katao.

Ang nasabing bilang ay kalahati sa kapasidad ng isang football stadium.

Sa tier two areas naman na tinatawag ay hanggang 2,000 lamang katao ang pa papayagang manoond ng mga laro.

Nauna ng hindi pinayagan noong Marso ang mga audience na manood sa mga football at rugby leagues dahil sa coronavirus pandemic.