-- Advertisements --
image 670

Binigyang diin ni House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hindi solusyon ang panrered tag sa kakulangan ng classroom at guro sa paaralan.

Aniya ang mabisang solusyon upang matugunan ang nasabing isyu ang ang sumunod sa standard ng United Nations pagdating sa alloted budget ng edukasyon na 6% dapat ng Gross Domestic Product ng bansa.

Kung ito raw ay gagawin, siguradong mabibigyang solusyon ang kakulangan sa mga guro at silid aralan.

Samantala, matatandaan na ayon sa DEPED nasa halos 91,000 na bagong silid aralan ang kailangan sa buong bansa.

Bukod pa dito, kailangan rin maghire ng 147,000 na mga guro upang mahati sa 35 na estudyante ang bawat klase.