DAGUPAN CITY– Welcome sa Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang kautusan na pansamantala munang hindi papayagan ang pagpasok ng mga pato at manok sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay kasunod ng pagkakatala ng kaso ng bird flu subtype H5N1 sa mga probinsya gaya ng Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Benguet, Tarlac, Isabela, Laguna, North at South Cotabato, at Maguindanao.
Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng SINAG, malawak ang tinamaan ng bird flu sa nabanggit na mga lugar kaya mas mabuti na maging maingat ang lalawigan para hindi na kumalat pa rito ang sakit.
Giit ni So na marapat lang na maghigpit sa border ng Pangasinan at gawin ang mga kaokolang mga safety at monitoring measures. Ang problema aniya ay walang bantay sa mga borders kaya yun ang dapat na tutukan.
Una rito batay sa nilagdaan ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III na Executive Order NO. 0103-2022 o Implementing a temporary total ban od the entry of all ducks and spent hen( culls) into the province of Pangasinan mula July 12 hanggang September 30, 2022, hindi muna papayagan ang pagapasok ng mga nabanggit na mga hayop para mapangalagaan naman ang poultry industry ng lalawigan.
Matatandaan na pinababantayan ang mga entrry at exit points sa lalawigan at mga strategic roadlines.