-- Advertisements --
image 113

Nagpatupad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng temporary ban o pansamantalang pagbabawal sa deployment ng mga first-time overseas filipino workers (OFW) partikular ang mga domestic helper o kasambahay patungong Kuwait.

Sa isang statement, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa first time OFWs sa Kuwait ay ipagpapaliban muna hanggang sa magkaroon ng mga makabuluhang reporma sa nakatakdang bilateral talks sa gobyerno ng Kuwait.

Nais din aniyang tiyakin ng kagawaran na mayroong mas maayos na monitoring system at mas mabilis na response system.

Mayroon din naman aniyang ibang mga bansa ang maaaring pagpilian ng mga domestic worker gaya ng Hong Kong at Singapore.

Sa kabila ng naturang development, positibo si Ople na magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa existing bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.