-- Advertisements --

Nais ni Sen. Panfilo Lacson na pag-ukulan din ng pansin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang iligal na sugal na jueteng, matapos ipasara simula ngayong araw ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gambling operations.

Ayon kay Lacson, isa ang jueteng sa naging mahirap na laban niya noong pinuno pa siya ng PNP.

Maging ang ilang pulis aniya ay sangkot mismo sa korapsyon dahil sa jueteng.

Gayunman, itinuturing ni Lacson na welcome development ang ipinatupad na tigil operasyon sa PCSO games.