-- Advertisements --

Muling umapela si Department of Finance Sec. Carlos Dominguez para sa tapat at pantay na distribusyon ng COVID-19 vaccines upang siguruhin na magkakaroon ng access sa naturang life-saving medical intervention ang mga lower-income at developing countries.

Bilang kinatawan ng Pilipinas sa 54th Annual Meeting ng Asian Development Bank (ADB), sinabi ni Dominguez na hindi lang lumaki ang puwang ng inequalities sa lipunan ngunit lumutang din ang pagkaka-iba ng mga bansa. Makikita aniya ito sa hindi pantay na alokasyon ng bakuna dahil mas pabor ito sa mga developed economies.

Bukod aniya sa naibigay ng mga developed economies na mataas na lebel ng tulong pinansyal sa kanilang nasasakupan ay kaagad din nilang nasimulan ang pagbabakuna sa kanilang mga residente dahil na rin sa malaking halaga ng financial resources na kanilang inilaan.

Naniniwala umano si Dominguez na sa pamamagitan ng pantay at tapat na distribusyon ng bakuna ay sabay-sabay na makakabangon ang mga bansa mula sa pandemic na dulot ng coronavirus disease, kaya naman hinihikayat ng Pilipinas ang mga developed countries, multilateral institutions, at global organizations na magkapit-bisig para tiyakin ang access ng mga bansa sa bakuna.

“We particularly stand at a new period in human history dominated by information technology and artificial intelligence. At the Asian Development Bank Annual Meeting, I called on the bank to increase its focus and expertise on this area. I also suggested that that bank seek advice on this modernization effort from senior digital technology professionals in the Asia-Pacific region. There is no better time than now to vigorously pursue this initiative,” wika ni Dominguez.

Dagdag pa ng kalihim na habang nagtutulong-tulong ang mga developing countries na makabalik sa pre-COVID level ng growth at equity, kailangan din daw ng mga ito na paigtingin pa ang assistance mula sa mga multilateral financial institutions tulad ng ADB.

Hiling din nito na sabayan ng ADB ang mga hakbang na ginagawa ng iba pang mga bansa bilang paghahanda sa pagpasok ng bagong global economy.

Ayon pa kay Dominguez, hindi raw magagawa ng ADB ang mahalagang papel nito sa paggabay sa sustainable at resilient recovery ng mga bansa kung mas uunahin nito ang “business as usual” approach.

Naging malaking oportunidad din umano para sa ADB ang nararanasang global health at economic crisis upang patunayan na mas naging mabilis ang pagtugon ng institusyon tulad ng nakasaad sa Strategy 2030 nito.