ILOILO CITY – Itinuturing ng dating kalihim ng Department of Health at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na “pinakamataas na antas na hipokrisiya” ang suhestiyon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na magpatayo ng Dengvaxia court.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na nais lamang umanong itago ni Acosta ang mga iligalidad na nagawa niya bilang hepe ng PAO.
Ayon kay Garin, sinusubukan lamang ni Acosta na ilihis ang atensyon ng publiko upang hindi matutukan ang kasong technical malversation na isinampa laban sa kanya at nakitaan rin ng probable cause ng Office of the Ombudsman sa kaso na graft and corruption.
Pahayag pa ni Garin, alam niya rin na isa sa mga gustong mangyari ni Acosta ay ang pag-legalize ng forensic laboratory na ipinatayo niya at ng kanyang kaibigan na si Dr. Erwin Erfe.
Ani Garin, pera ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Acosta.
Itinuturing rin ng opisyal na isang harassment at pamumulitika ang ginagawa ni Acosta.