-- Advertisements --
Isinusulong sa Senado ang pagsasabatas ng panukala na naglalayong mabigyan ng transportation allowance ang mga empleyado ng gobyerno.
Inihain ni Senator Mark Villar ang Senate Bill 1625 dahil aniya ang malaking porsyon ng sinasahod ng mga manggagawa ng gobyerno ay napupunta sa pamasahe o sa gasolina.
Sa ilalim ng panukala, lahat ng mga empleyado ng gobyerno na may permanent status ay saklaw na mabibigyan ng transportation allowance.