Umani ng samu’t saring reaksyon sa publiko ang panukala sa inihain sa Kongreso kung saan uunahin sa pagboto ang mga vulnerable sectors at mga piliping propesyon.
May ilan na nagsabing sang ayon sila dahil para naman hindi na mahirapan lalo na ang mga may kapansanan at senior citizens, at may ilan naman na hindi sang ayon dahil hindi raw ito ang nakasanayan.
Kung maaalala itong panukala ay suportado ng Commission on Elections dahil magbibigay daan ito sa healthcare workers maging sa mga abogado na makapagboto ng maaga dahil tuwing panahon ng botohan ay ginagawa nila ang kanilang trabaho.
Ayon naman kay Jun Feliciano, maganda talaga ito at pabor ito sa mga nahihirapan tuwing election tulad na lamang ng ilan niyang kasamahan sa bahay.
Ganoon rin ang naging pahayag ni Francisco Ciles, na isa nang senior citizen.
Sa kabilang dako naman, hindi sumasang ayon si Rommel Rodriguez dito.
Aniya, mas maganda sana na sundin parin ang nakasanayan kung saan binibigyang prioridad lamang sa araw ng botohan ang vulnerable sectors.
Sa ganitong set up ay maiiwasan raw ang pag usbong ng iba’t ibang issue na makaka apekto pa sa eleksyon.
Sa ngayon ay pinag aaralan pa naman raw ng Commission on Elections itong early voting hours para sa vulnerable sectors at piling propesyon sakaling maipasa itong panukala.
Kung ito raw ay maipapasa, kinakailangan ng Komisyon ng karagdagang pondo para sa gastusin tulad honoraria para sa mga guro na magsisilbing sa eleksyon.