-- Advertisements --

Isang “Welcome development” para sa Philippine National Police (PNP) ang anumang hakbang na magpapabilis sa pagbibigay ng hustisya.


Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos kaugnay ng Senate Bill No. 2331 na nagsusulong na magtatag ng mga “police courts” na tututok sa mga kaso ng pangaabuso ng mga pulis.

Sinabi ni Carlos na sa panig ng PNP, mabilis na inaaksyunan ng PNP Internal Affairs Service (IAS), ang mga kaso ng mga pulis na gumawa ng iregularidad.

Pero ang mga kaso ng mga pulis na umaabot sa korte ay natatagalan aniya na maresolba dahil napapasabay ito sa napakaraming ibang kasong dinidinig ng mga korte.

Bagamat hindi aniya siya makapag-komento sa mga probisyon ng naturang panukala dahil hindi pa ito pinal, suportado niya ang mabilis na pagkamit ng katarungan.