-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayobg dagdagan ang taunang service incentive leave (SIL) ng mga empleyado mula lima hanggang 10 araw.

Sa botong 197 na pabor at wala namang pagtutol ay inaprubahan ng Kamara ang House Bill 1338, na naglalayong amiyendahan ang Labor Code of the Philippines.

Sa ngayon kasi, limang araw lamang ang paid SIL na itinatakda ng batas.

Nakasaad sa panukala na ang mga empleyadong nakapagsilbi na ng isang taon sa kanilang kompanya ay may eligible sa 10 days SIL.

Pero hindi ito applicable kung mayroon ng 10 days SIL leave sa isang kompanya at exempted din dito ang mga negosyo at establisiyemento na may 10 pababa na empleyado.