-- Advertisements --
Ni-ratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report, para sa panukalang 2025 National Budget.
Sa sesyon nitong Miyerkules ng gabi umayon ang mga kongresista sa ratipikasyon.
Sa sandaling ma-ratipikahan na rin ng Senado, i-aakyat na sa tanggapan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang pambansang pondo, para sa kanyang lagda at pagsasabatas.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill, ang national budget sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P6.352 trillion.
Ito ay 10.1 percent na mas mataas sa 2024 National Budget na P5.768 trillion.
Una ng inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na posible bago mag pasko sa December 20, 2024 nakatakda lagdaan ni Pang. Marcos ang panukalang pambansang pondo.