Inihain ng ilang mambabatas ang panukala na naglalayong magbigay ng 3,000 pesos incentives sa mga guro tuwing Teacher’s Day.
Saklaw nito ang mga public teachers mula sa Department of Education.
Sa dating World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB), nasa 1,000 pesos lamang ang ibibigay ngunit sa ilalim ng House Bill No. 7840 itataas ito hanggang 3,000 pesos.
Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., ang panukalang ito ay mabibigay tulong sa mga guro at pati narin sa satisfaction at fullfilment sa kanilang ginagawang sakripisyo para sa mga kabataan.
Nagsimula ito incentives taong 2019 na may inisyal na pondong, 800 million pesos mula sa National Budget.
Ngayong taon ay mayroong 900 million pesos na nakalaang pondo para sa batas na ito kaya naman nais ng ilang mambabatas na taas rin ang incentives na matatanggap ng mga guro.