Lusot na sa komite ng Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng otomatikong 5-percent ng buwis sa bawat franchise ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Batay sa inaprubahang bersyon ng House Committee on Ways and Means, nakasaad na may 5-porsyentong franchise tax ang ipapataw sa gross winnings ng mga POGO na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Nakapaloob din sa House Bill 5267 ang 25-percent tax na dapat bayaran ng sino mang dayuhan na empleyado ng gaming operations dito sa Pilipinas.
Sa kasalukuyang daw kasi ay 2-percent franchise tax lang ang kinokolekta ng Pagcor sa mga POGO, na may katumbas ng P8-bilyong kita sa gobyerno.
Ayon sa may-akda ng panukala, at committee chairman na si Albay Rep. Joey Salceda, posibleng umakyat sa P45-bilyon ang kita ng pamahalaan kada taon kapag naipasa ang proposed bill.