Malamig ang Philippine Coast Guard sa panukalang air drop ng mga suplay para sa mga tropa ng Pilipinas na nakaistasyon sa Ayungin shoal sa West PH Sea.
Ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, ang paggamit ng mga water assets ng bansa ay titiyak na kayang depensahan ang ating soberaniya nang hindi pinalala ang tensiyon sa puinagtatalunang karagatan.
Dagdag pa ng opisyal na kapag ipinadala ang mga suplay sa outpost ng bansa sa Ayungin sa pamamagitan ng air drop ay tila giangawa natin ito dahil ito ang nais ng China.
Binigyang diin naman ng PCG official na hindi matitina ang PH sa pagpapanatili ng presensiya nito sa WPS sa kabila pa ng mga agresibong aksiyon ng China.
Ito rin aniya ang tamang pagkakataon para maipakita sa international community na hindi aatras ang gobyerno ng PH sa pambubully ng China sa kabila pa ng ating limitadong assets at maliliit na barko ng Coast Guard na ipinapadala sa outpost ng bansa sa WPS.
Matatandaan na irnirekomenda ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na dapat ikonsidera ng mga awtoridad ang pagdadala ng suplay sa pamamagitan ng air drop sa layong mapigilang malagay sa panganib ang mga civllian boats sa kasagsagan ng resupply mission.