-- Advertisements --

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong tanggalin ang excise tax sa langis at amyendahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ang nasabing panukaka ay nai-refer na ito sa House Committee on Ways and MeansĀ  sa plenaryo.

Si House Speaker Martin Romualdez ang naghain ng panukala kasama sina Congressmen Dong Gonzales, Mannix Dalipr, Jude Acidre, at Congresswoman Yedda Romualdez.

Ayon kay ways and means chairman at Albay Congressman Joey Salceda na September 2023 pa nila kinukunsidera na gumagawa ng hakbang hinggil sa excise tax sa langis.

Tiniyak naman niya na matatalalay sa ilalim ng komite ang epekto nito at iba pang mga paraan upang maging posible na mapababa ang halaga nito.

Inaasahan namang maiimbitihan ang lahat ng stakeholders upang mapakinggan ang bawat panig hinggil sa panukala.