-- Advertisements --
bulacan airport smc

Na-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang panukalang batas na magtatatag sana ng Bulacan Airport City Special Economic Zone.

Ang hakbang ng pangulo ay kanyang ginawa sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan.

Nakita raw nito ang “fiscal risks” at ang “kakulangan ng pagkakaugnay” nito sa mga batas ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa Senate president, sinabi ni Marcos na hindi siya lalagda sa isang panukala na magdudulot ng “substantial fiscal risks sa bansa.”

Idinagdag pa niya na ang House Bill No. 757 ay “lumabag” sa mga awtoridad ng mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos na ang iminumungkahing batas ay walang mga probisyon sa pag-audit para sa Commission on Audit, hindi ipinaliwanag din kung paano ito kukuha ng mga lupain para sa mga benepisaryo ng repormang agraryo, at nagbibigay ng “blanket powers” sa economic zone authority sa technical airport operations at environmental protection “not found” sa Constitution.

bulacan bbm

Ang ecozone ay itatayo sana sa loob ng Bulacan airport complex kung saan ang prangkisa para sa operasyon nito ay ibinigay sa San Miguel Corp.

Ang bagong P740-bilyong internasyonal na paliparan ay magkakaroon ng kapasidad na 100 milyong pasahero bawat taon.

Nauna nang sinabi ng San Miguel na ang proyekto ay maaaring makabuo ng “mahigit isang milyong” direct at indirect jobs.