Ikinatuwa ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.
Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29,2023.
“We are elated that our colleagues supported this measure not only for our constituents in Las Pinas but also for our neighboring towns,” pahayag ni Rep. Villar.
Si Rep. Villar ang principal author sa nasabing panukala.
Ayon kay Rep. Villar, sa sandaling maging ganap na batas ang nasabing measure, mas magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo ng LTO-Las Pinas sa mga residente at sa mataas na bilang ng mga transactions.
“Upgrading the various services of LTO-Las Pinas Extension Office to be known as Las Pinas City LTO Licensing Center would definitely mean shorter queues in the renewal of drivers licenses, application of new ones, registration of motor vehicles and other related land transportation assistance and transactions,” pahayag ni Rep. Villar.
Dagdag pa ng mambabatas, malaking tulong din para ma decongest ang mga nagsisitungo sa mga LTO offices partikular sa kalakhang Maynila.
Ang inisyal na pondo ng nasabing opisina ay kukunin sa kasalukuyang budget ng Las Pinas LTO Licensing Extension Office, habang ang susunod na budget ay kukunin na sa annual national budget.