-- Advertisements --
Gatchalian
Sen. Sherwin Gatchalian (PRIB Photo by Albert Calvelo)

Maghahain si Senador Sherwin Gatchalian na isang panukalang batas na layong amyendahan at gawing angkop sa kasalukuyang panahon ang Magna Carta for Public School Teachers o ang RA No. 4670.

Ilan sa mga bagong probisyon na isusulong ng Senador ang pagbibigay ng special hardship allowance sa mga mobile teachers, kabilang na ang mga Alternative Learning System (ALS) teachers.

Nais din na mabigyan ng proteksyon ang mga out-of pocket expenses at pasgsasagawa ng mga non-teaching btasks.

Kailangan aniya ang ganap na pagpapatupad ng batas na ito na magtataguyod sa kapakanan ng mga guro sa mga papublikong paaralan.

Pinuna naman ng Senador na sa ilalim ng Section 31 ng Magna Carta, may mandato ang kalihim ng kagawaran ng edukasyon na magsumite ng panukalang pondo para sa cpagpapatupad ng Magna Carta.