-- Advertisements --

Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong patawan ng mas mataas na buwis ang tobacco products o mga sigarilyo.

Sa economic press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Karl Kendrick Chua na ipinasa ang nasabing panukalang batas noong nakaraang 17th Congress at nakatakda itong mag-lapse into law sa darating na Hulyo 27.

Ayon kay Chua, batay sa impormasyon mula sa Office of the President (OP), ready for signature na ang enrolled bill at pipirmahan ni Pangulong Duterte ngayong linggo lalo’t una na itong sinertipikahang urgent.

Sa ilalim ng panukala, itataas sa P45 ang buwis na ipapataw na buwis sa sigarilyo mula sa umiiral na P35.

Gagamitin umanoang makokolektang dagdag buwis para pondohan ang Universal Healthcare Law.