Inihain ni Senator Lito Lapid ang isang panukalang batas na nagbabawal sa pagbebenta ng junk foods at sugary drinks sa elementarya at sekondarya sa mga pampublikong paaralan.
Ito ay sa layuning matugunan ang obesity at malnutrisyon sa mga bata.
Target din ng Senate Bill No. 1231 na magkaroon ng health food at beverage program para sa lahat ng public schools at learning institutions.
Ayon pa sa Senador na may mahalagang gampanin ang healthy diet sa pag-aaral at cognitive learning ng mga bata.
Sa isinagawang pag-aaral ng Senador lumalabas na walang sapat na nutrisyon ang mga bata kayat hirap ang mga itong matuto na nagreresulta ng mababang score na nakukuha sa mga pagsusulit.
Binigyang diin din ng Senador na kapag matiyak na may access sa pagkain na may mataas na nutritional value, masisiguro aniya ang kanilang magandang kalusugan at performance sa eskwelahan.
Sa naturang panukalang batas, ipagbabawal din ang pagbebenta, distribusyon at promotion ng junk food at sugary drinks sa loob at 100 metro mula sa perimeter ng lahat ng public educational institutions.