Isinusulong ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pugay ang yumaong “sports heroes” sa pamamagitan ng pagpapahintulot na mailibing ang kanilang mga labi sa Libingan ng mga bayani o Heroes Cemetery.
Inihain ng mambabatas ang naturang panukala ngayong araw, August 18.
Umaasa naman ang mambabatas na hindi pa huli para mabigyang pugay ang mga sports heroes gaya ng sprint queen na si Lydia de Vega.
Ang naturang panukala aniya ay isang token of gratitude para kay De Vega at sa iba pang sports heroes.
Sa naturang bill, tinukoy na ang mga sports heroes ay ang mga distinguished Filipino athletes na nagtataglay ng character at integrity at nagrepresenta at nagbigay karangalan sa ating bansa na nanalo ng gintong medalya sa anumang Southeast Asian games, silver medal sa anumang Asian Games o Asian Cup at bronze medal sa anumang Olympic o World Games o naging world champion sa anumang professional sports competition.