-- Advertisements --
cropped House of Representatives

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong mapataas ang literacy rate ng bansa.

Ang House Bill No. 7414 ay pinapalitan ang pangalan ng Literacy Coordinating Council na binuo sa ilalim ng Republic Act No. 7165, ito ngayon ay ang ‘National Literacy Council’.

Umani ang nasabing panukalang batas ng 282 na boto sa Kongreso nitong Martes

Ang National Literacy Council ay magsisilbing tagapamuno ng iba’t ibang ahensya sa pagbuo ng polisiya at iba pang paraan para sa universalization ng literacy, mapa national o local man.

Ang council na ito rin ang susukat sa literacy situatiuon sa bansa, magmumungkahi ng maraming paraan para mapaganda pa ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pag adopt ng modern communication at educational technology.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kailangang mas paigtingin pa ang kasalukuyang batas upang makamit ang hangarin na magkaroon ng dekalidad na edukasyon.

“Many of us, especially the poor in rural and remote communities, lack the means to acquire formal education. We have to reach out to these sectors of our population so that at least, they will learn how to read and write,” sinabi pa ni Speaker Romualdez.

Samantala, upang ma monitor na gumagalaw ang council na ito, kinakailangang nitong magpasa ng annual report sa Senate committee on basic education, arts ang culture, at House committee on basic education and culture.