Isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas na nagmamandato para sa installation ng timers sa trapiko at pedestrian lights sa urban at rural areas.
Sa inihaing Senate Bill 1959 ni Senator Mark Villar, ipinunto ng mambabatas na mahirap para sa mga motorista at pedestrians na mahulaan ang pagpapalit ng color alert dahil sa kawalan ng timers kayat hamon aniya ito para maayos na makatugon sa signal.
Ayon pa sa mambabatas na makakatulong aniya ang timers sa trapiko at pedestrian lights para maiwasan ang kalituhan, bantas ng aksidente at posibleng paglabag.
Marapat lamang aniya na pag-ibayuhin ang traffic management system sa bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng clear signals para maisaayos ang daloy ng mga sasakyan at pedestrians sa mga kalsada.
Saad pa ng Senador na titiykin ng Department of Public Works and Highways at Department of the Interior and Local Government sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ang maintenance at gumagana ng maayos ang mga timer sa trapiko at pedestrian lights at agad ng aksiyon para matugunan ang anumang malfunction o failure.